1K pamilya inilikas sa QC fire

1K pamilya inilikas sa QC fire

February 20, 2023 @ 10:38 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Mahigit 1,000 pamilya ang inilikas dahil sa sunog sa Barangay Tatalon sa Quezon City nitong weekend, kung saan tatlong indibidwal ang nagtamo ng minor burns.

Sinabi ng nga residente na posibleng nagsimula ang sinog sa Reisang tahanan na nakaiwan ng nakasaksak na appliances.

“Aalis po tayo ng bahay, siguruduhin po natin na ‘yung mga electrical appliance po natin na nakasaksak ay nakatanggal,” ani F/SSupt. Aristotle Banyaga sa ulat.

HIndi bababa da tatlong indibidwal ang naiulat na nagtamo ng minor burns, kabilang ang dalawang fire volunteers at isang residente.

Sinabi naman ni Quezon City Fourth District Councilor Egay Yap na magbibigaya ang local government unit ng financial assistance sa mga apketadong residente, mula P5,000 hanggang P10,000 kada pamilya depende kung sila ay renters o owners. RNT/SA