1K puslit na chainsaw nasabat ng BOC sa Maynila

1K puslit na chainsaw nasabat ng BOC sa Maynila

February 3, 2022 @ 6:58 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa 667 kahon ng puslit na chainsaw.

Sinabing naglalaman ito ng 1,034 unit na nagkakahalaga ng P1,010,127.

Nadiskubre ito habang nagsasagawa ng physical examination sa Manila International Container Port (MICP) designated examination area (DEA) noong Enero 13.

Napag-alaman na wala itong importation permit galing sa Forest Management Bureau of the Department of Environment and Natural Resources (FMB-DENR).

Galing naman ang naturang mga gamit sa China na naka-consign sa JJJJ Enterprises. RNT/FGDC