1M bakuna vs COVID-19, teknolohiya ng Sinovac, ibibigay sa Pinas

1M bakuna vs COVID-19, teknolohiya ng Sinovac, ibibigay sa Pinas

October 29, 2020 @ 11:11 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nangako ng isang milyong COVID 19 vaccine ang joint movement  ng Non-Government Organizations, private sectors at Health Workers upang masugpo ang pandemic dito sa bansa.

Nag-alok din ng tulong ang Multisectoral orgnization kay Pangulong Rodrigo Duterte upang makipag-usap sa Chinese government na mabilis na maproseso ang Sinovac Biotech mula sa China.

Maaalalang sa kanyang  huling public address ay binanggit ng Pangulo Duterte ang tungkol sa Biotech at ang pagkakagusto ng Punong Ehekutibo sa government to government transactions.

Ayon kay World Philosophical Forum Phils. Chairman Dr. Sharif Ibrahim Albani, hindi lamang ang 1 milyong Sinovac vaccine ang madadala nila rito sa bansa kung hindi maging ang teknolohiya  na mismong gumagawa ng vaccine sa sandaling maproseso ng gobyerno ang mga kinauukulang papeles para sa China.

“In that way, the Philippines can now export vaccine to other countries”, sabi ni Dr. Albani sa  panayam ng REMATE.

Katuwang ng World Philosophical Forum ni Dr. Albani  ang South Asia General Foundation International Inc., sa pamumuno ni Dr. Zhou Ye sa ipinangakong isang milyon Sinovac vaccine sa Pilipinas. Dave Baluyot


  •  
  •  
  •  

Loading...