1M deboto inaasahang dadalo sa aktibidad sa Quirino Grandstand sa #Nazareno2023

1M deboto inaasahang dadalo sa aktibidad sa Quirino Grandstand sa #Nazareno2023

January 5, 2023 @ 3:00 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Inaasahang dadaluhan ng nasa 1 milyong deboto ang aktibidad sa Quirino Grandstand sa Maynila para sa Pista ng Itim na Nazareno simula ngayong Sabado.

Ayon kay Fr. Earl Valdez, attached priest ng Quiapo church na inaasahan nilang maraming tao ang dadalo sa pagdiriwang sa Luneta Park.

“In previous years (pre-pandemic), we reached millions in total, and all Masses were filled. In the grandstand, probably, the usual number of devotees pre-pandemic. We expect the grandstand to have whatever devotees can occupy and together with the line for the tribute, it will really reach a million,” sabi ng Pari sa isang panayam.

Tatlong araw na mananatili ang imahe ng Black Nazarene sa Quirino Grandstand mula Enero 7 hanggang 9.

Ang panimulang aktibidad ay ang “pagpupugay” na tatakbo mula Enero 7 hanggang 9, na papalit sa tradisyonal na “pahalik”.

Magdaraos ng misa sa Enero 8 ng hatinggabi na pangungunahan ni Fr. Rufino Sescon Jr., rector ng Minor Basilica of the Black Nazarene, na susundan ng Walk of Faith procession.

Magsisimula ang prusisyon sa Quirino Grandstand hanggang Quiapo church sa Quezon Boulevard.

Pangungunahan naman ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula ang Feast Day Mass sa hatinggabi ng Enero 9. Jocelyn Tabangcura-Domenden