1M pang Sinovac COVID-19 vax dumating na sa Pinas; 2M Pfizer jabs, darating mamayang gabi



1M pang Sinovac COVID-19 vax dumating na sa Pinas; 2M Pfizer jabs, darating mamayang gabi

June 10, 2021 @ 11:59 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Isang milyon pang COVID-19 vaccine na gawa ng Sinovac ang duating sa bansa ngayong Huwebes ng umaga.

Bandang 7:16 ng umaga ng lumpag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 via Cebu Pacific flight mula Beijing ang CoronaVac COVID-19 vaccine ng Sinovac firm.

Ito na ang ika-sampung batch na pagdating ng COVID-19 vaccine ng Sinovac, kabilang na ang dalawang batch na donasyon ng Tsina.

Dahil dito, nasa 10.3 million doses na ang bakuna ng Pilipinas.

Sina Vaccine czar Carlito Galvez Jr. at testing czar Secretary Vince Dizon ang sumalubong sa nasabing bakuna.

Sa kabilang banda, mamayang gabi na rin ang dating ng dalawang milyong COVID-19 vaccine ng Pfizer sa ilalim ng COVAX facility. RNT


  •  
  •  
  •