1M pang Sinovac vaccines dumating na sa Pinas

1M pang Sinovac vaccines dumating na sa Pinas

June 6, 2021 @ 8:00 AM 2 years ago


MANILA, Philippines – Dumating na sa Pilipinas ang isang milyon pang doses ng Coronavac COVID-19 vaccine na gawa ng Sinovac Biontect ng Tsina, Linggo ng umaga.

Dumating ang mga bakuna sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 via Cebu Pacific flight 5J671 bandang alas-7 ng umaga.

Sinalubong naman ito nina Health Secretary Francisco Duque III, vaccine czar Carlito Galvez Jr. at iba pang opisyal ng Chinese Embassy.

Agad dinala ang mga bakuna sa cold storage facility sa Marikina City.

Ang nasabing bakuna ay binili ng Department of Health.

Nakatakda pang dumating sa bansa ang mas marami pang Sinovac vaccine sa mga susunod na linggo. RNT