1M Sputnik V light darating na sa bansa – Galvez

1M Sputnik V light darating na sa bansa – Galvez

September 17, 2021 @ 11:00 AM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Hinihintay ng Pilipinas na matanggap ang first batch ng milyong doses ng single-shot Sputnik V Light ngayong buwan ng Setyembre.

Sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., may 190,000 doses ng Sputnik V’s Component 2, ang ia-administer bilang second dose.

“This shipment of Sputnik V vaccines shall be used for the second dose. After this, we will be receiving the single-shot Sputnik V Light as we move forward with our vaccine rollout,” aniya.

Inirekomenda naman ng mga eksperto ang interval ng 21 hanggang 42 araw sa pagitan ng first at second dose ng Sputnik V.

Subalit sa patuloy na pagkakaantala na tumama sa delivery ng Sputnik V’s Component 2, nagpahayag ng pagkabahala si Galvez para sa mga nakakuha na ng kanilang first dose sabay sabing ang interval para sa second shot ay maaaring hintayin ng hanggang 6 na buwan.

“As per our vaccine experts from the Department of Health, the gap between first and second doses of Sputnik V can be as long as six months, so no need to worry because the vaccines are arriving soon,” anito.

Ang pagkakaantala sa delivery sa Sputnik V’s Component 2 ang dahilan para ipagpaliban ng local government units ang second dose schedules ng vaccine recipients.

Sa ngayon, ang Pilipinas ay nakatanggap na ng 57.5 million doses ng COVID-19 vaccines mula sa iba’t ibang manufacturers.

Nauna nang iniulat ng pamahalaan na may mahigit 17 milyong indibiduwal sa buong bansa ang fully vaccinated laban sa bagong coronavirus disease. Kris Jose


  •  
  •  
  •