1M tambay bigyan ng trabaho, ‘wag hulihin – Angara

1M tambay bigyan ng trabaho, ‘wag hulihin – Angara

June 18, 2018 @ 1:42 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Sa halip na hulihin, dapat bigyan ng trabaho ng pamahalaan ang mahigit kalahating milyong tambay alinsunod sa itinakda ng JobStart Law, ayon kay Senador Sonny Angara.

Sa pahayag, sinabi ni Angara na dapat palakasin ng pamahalan ang programang pangkabuhayan upang makatulong sa mga kabataan na makakuha ng trabaho dahil tumataas ang tantos unemployment sa kanilang hanay.

“The country’s unemployment challenge is primarily a youth phenomenon. The JobStart Law is the government’s answer to youth unemployment. Ang target ng programang ito ay ang mahigit isang milyong kabataang tambay na walang trabaho at hindi nag-aaral,” ayon kay Angara.

Si Angara ang pangunahing sponsor ng JobStar Philippine Ace o Republic Act 10869 na inaatasan ang pamahalaan na ipatupad ito sa buong kapuluan na magbibigay ng libreng technical at life skills training, placement sa internship kabilang job matching assistance at job referrals.

Ipinapakita ng   April 2018 Labor Force Survey na umaabot sa 46% ang kabataan na may edad na 15 hanggang 24 anyos o 1.1 milyon sa kabuuang 2.36 milyongh walang trabaho.

“Ayon sa pag-aaral, umaabot hanggang 2 taon bago makakuha ng trabaho ang bagong graduate, at apat na taon naman sa bagong graduate ng highschool. Mas mahaba naman ang paghahanap ng mga dropped out na estudyante. Layunin ng JobStart na bawasan ang job search period mula sa 2-45 taon na hindi aabot sa isang taon,” ayon kay Angara.

Kamakailan, mahigpit na ipinatupad ng pulisya ang pagdadakip sa mga nakatambay kabilang ang mga nag-iinuman sa kalye at naninigarilyo sa pampublikong lugar.

“Maraming kabataaan ang walang trabaho sanhi ng kawalan ng angkop na kasanayan para sa trabaho sa ating bansa. Makatutulong ang JobStart na maging employable ang mga kabataan,” paliwanag ni Angara.

Sinabi ni Angara na kailangan  nagtapos ng highschool at may edad na 18 hanggang 24 anyos ang puwedeng maging kuwalipikado sa programa, hindi nagtatrabaho o nag-aaral o sumasailalim sa pagsananay.

Hinati ang JobStart Program sa tatllong yugto:   1) life skills training for 10 days; 2) technical skills training for three months; at, 3) company-based internship for six months.

Makakatanggap ng daily allowance ang sinumang trainees at inaatasan  naman ng employer na magbigay ng daily stipend sa kalahok sa antas ng internship na hindi lalampas sa 75% ng kasalukuyang minimum wage.

“Sabi ni Gat Jose Rizal, ‘Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.’ Huwag naman sana nating hayaan na maging tambay ng bayan ang ating kabataan,” aniya

“Kailangan nila ng kaukulang tulong upang makahanap ng maayos at disenteng trabaho para magkaroon sila ng direksyon sa buhay, at para matulungan ang kanilang pamilya na makaahon sa kahirapan,” ani Angara.  (Ernie Reyes)