1st COVID-19 booster coverage sa Pinas pumalo sa 20%

1st COVID-19 booster coverage sa Pinas pumalo sa 20%

July 23, 2022 @ 8:45 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Nananatiling mababa ang saklaw ng first booster shot ng COVID-19 sa bansa dahil umabot lamang ito sa 20 porsyento sa ngayon, sinabi ng Department of Health (DOH).

Sinabi ng DOH na may kabuuang 15,797,385 na unang booster shot ang naibigay noong Hulyo 21—na katumbas ng 20.23 porsyento ng kabuuang bilang ng mga taong kwalipikado para sa unang booster dose.

Sa Hulyo 26, ilulunsad ng gobyerno ang isang nationwide campaign na tinatawag na “PinasLakas!,” na naglalayong magbigay ng booster shots sa mga karapat-dapat na Pilipino at pataasin ang rate ng pagbabakuna sa mga senior citizen.

Sinabi ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na nilalayon nilang makapagbigay ng booster shots sa hindi bababa sa 23 milyong Pilipino sa loob ng unang 100 araw ng administrasyong Marcos.

“The DOH will make vaccines more accessible and available in markets, places of worship, malls, transport terminals, offices, factories, plazas, or schools,” sabi ni Vergeire noong
Hulyo 20.

May kabuuang 71,439,759 katao na ang ganap na nabakunahan sa Pilipinas o ang mga nakakumpleto ng unang dalawang dosis ng mga bakuna sa COVID-19.

Ang bilang ay kumakatawan sa 91.47 porsiyento ng 78 milyong target na populasyon sa buong bansa.

Samantala, mayroon nang 1,146,735 indibidwal na nakatanggap ng kanilang pangalawang booster shot.

Ang pangalawang booster shot ay para lamang sa mga senior citizen, health worker at immunocompromised adults.

Ang unang booster shot ay ibinibigay sa mga Pinoy na may edad 12 taong gulang pataas. Jocelyn Tabangcura-Domenden