1st dose sa 5-11 anyos tigil muna sa Valenzuela

1st dose sa 5-11 anyos tigil muna sa Valenzuela

February 23, 2022 @ 1:36 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Inihayag ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela na pansamantala munang ititigil ang pagbibigay ng unang dose ng COVID-19 vaccine sa mga batang lima hanggang 11-taong-gulang habang hinihintay ang karagadang supply ng bakunang Pfizer mula sa pambansang pamahalaan.

Muling magbibigay ng vaccination appointments ang Valenzueal City Vaccination (VCVAx) staff sa sandalling dumang ang mga nasabing bakuna.

Gayunman, magpapatuloy pa rin ang 2nd dose vaccination para sa mga batang tumanggap na ng kanilang 1st dose.

Tuluy-tuloy pa rin ang pagbabakuna ng 1st dose at 2nd dose sa mga 12-17-taong-gulang, at 1st dose, 2nd dose at booster sa mga edad 18 pataas. Merly Iral