1st foreign trip ng Pangulo: PBBM, lumipad na patungong Indonesia

1st foreign trip ng Pangulo: PBBM, lumipad na patungong Indonesia

September 4, 2022 @ 12:26 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Umalis na byaheng Indonesia si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Linggo, Setyembre 4, 2022.

Ito ang kauna-unahang foreign trip ni Pangulong Marcos nang maupo siya bilang halal na Pangulo noong Hunyo.

Inaasahan naman na makikipagkita ang Pangulo sa Filipino community sa kanyang pagdating sa Indonesian capital, mamyang hapon.

“This is to once again put the Philippines in a position where we have strong alliances and strong partnerships which are necessary for us to come out of the post-pandemic economy,” ang bahagi ng mensahe ng Pangulo bago ang kanyang pag-alis.

“So I leave to undertake my first state visit to our immediate neighbors, Indonesia and Singapore. In other words, ako’y mangangapit-bahay para sa ating bansa at para sa ating ekonomiya,” dagdag na pahayag nito.
Magsisimula ang aktibidad ng Pangulo sa Indonesia ngayong araw, Setyembre 4 hanggang 6, bilang tugon na rin sa naging imbitasyon sa kanya ni Indonesian President Joko Widodo.

Inaasahan na pag-uusapan ng dalawang lider ang “active and multifaceted cooperation in defense, maritime border security, economic development, and people-to-people exchanges.”

“We’ll be discussing the current state and the future as we see it of the bilateral relationship between the Philippines and Indonesia and the changing geopolitical environment,” ayon sa Pangulo.

Para naman sa Department of Foreign Affairs (DFA), masasaksihan din nina Marcos at Widodo ang paglagda ng ilang mahahalagang kasunduan sa larangan ng depensa at kultura at ang komprehensibong plano ng aksyon, na magtatala ng mga bilateral na prayoridad ng dalawang bansa sa susunod na limang taon.

Inaasahan ding babanggitin ni Pangulong Marcos ang kaso ni Mary Jane Veloso sa mga opisyal ng Indonesia.

Wika ng DFA, habang hinimok ng pamilya Veloso ang Pangulo na umapela para sa executive clemency.

Samantala, kabilang sa delegasyon ni Pang. Marcos sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, Finance Secretary Benjamin Diokno, Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual, Budget Secretary Amenah Pangandaman, Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan, and Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Felipe Medalla.

“My state visits to our ASEAN neighbors will seek to harness the potential of our vibrant trade and investment relations. As such, an economic briefing, business forums, and meetings have been organized to proactively create and attract more investments and buyers for our exports in order to accelerate the post-pandemic growth of our economy,”ayon sa Punong Ehekutibo. Kris Jose