1st mini album ng AESPA kabog sa 400K pre-order sales

1st mini album ng AESPA kabog sa 400K pre-order sales

October 5, 2021 @ 3:13 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

SOUTH KOREA – Parang paulit-ulit na nagne-next level ang Kpop girl group na AESPA everytime na may nilalabas silang kanta and this time, sa kanilang 1st mini album!

Ito ay matapos na umabot na kaagad sa 400,000 ang pre-order sales sa kanilang ‘Savage’ mini album.

Ayon sa mga sources, kinabog na kaagad ng AESPA ang rekord ng pagiging best-selling K-pop girl group pagdating sa debut album nila.

Confirmed na 2nd highest din ang sales sa unang linggo ng grupo, higit sa iba pang K-pop girl group.

Excited na ang mga fans sa paglalabas ng ‘Savage’ mamaya, 6PM (oras sa Korea), 5PM dito sa Pinas! RNT


  •  
  •  
  •