1st SK Chairman DR. Monte Tolentino Dart Tournament sisipa na

1st SK Chairman DR. Monte Tolentino Dart Tournament sisipa na

January 23, 2023 @ 11:05 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Nakatakdang magpakitang gilas ang mga darters sa Antipolo paglahok nila sa 1st SK Chairman DR. Monte Tolentino Dart Tournament sa Bgy. San Jose, Antipolo City sa Pebrero 4.

Tiyak na dagsaan ang mga mahuhusay na darters dahil nakataya ang P10,000 garantisadong premyo kung saan ay P4,200 ang hahamigin ng magkakampeon.

Ang pagdadausan ng laban ay sa Ka Rex Dart House sa C lawis Bgy. Dela Paz, Antipolo City, may entry fee na P120.00 habang nasa 50 mahigit ang nagsaad ng pagsali.

Kukubrahin ng second placer ang P2,200, tig P1,000 ang joint third at fourth habang ang fifth to eighth places ay may susungkitin na tig P400.00.

Best of five, 501 double ang labanan, magsisimula ang registration sa alas-6 ng gabi at bakbakan na sa alas-8 ng gabi.

Bukas sa lahat ng Barangay sa Antipolo City, bawal maglaaro ang naka tsinelas at naka sando ayon sa mga organizers na sina Robert Calupit (6-time phillipines Team), Eugene De Jesus at Cris Zapanta.ED