1st US tour ng BRAVE GIRLS kasado na!

1st US tour ng BRAVE GIRLS kasado na!

May 5, 2022 @ 1:55 PM 3 weeks ago


SEOUL, South Korea – Kasado na ang kauna-unahang US tour ng Kpop group na BRAVE GIRLS.

Ito ay makaraang ilabas na nila sa publiko ang petsa at mga venue na kanilang pupuntahan sa ‘Brave Girls 1st U.S. Tour.’

Ayon sa Brave Entertainment, nakatakdang magsagawa ng concert ang grupo simula sa July 9 sa Philadelphia, July 10 naman sa New York, July 12 sa Miami, July 14 sa Atlanta at July 16 sa Chicago.

Maliban dito, kasama rin sa kanilang pupuntahan ay ang Dallas sa July 17, Denver sa July 19, San Francisco sa July 21 at Los Angeles naman sa July 23.

Matatandaan na kamakailan ay naglabas ng mini album sa kanilang comeback ang BRAVE GIRLS nitong buwan ng Marso. RNT/JC