1st World Universities Debating Championship title nasungkit ng Pinas!

1st World Universities Debating Championship title nasungkit ng Pinas!

January 4, 2023 @ 1:13 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nasungkit ng Pilipinas partikular na ng Ateneo de Manila University ang kauna-unahang pagkapanalo sa World Universities Debating Championship (WUDC) na ginanap sa Madrid, Spain.

Ang debating team mula sa Ateneo ay inirepresenta ng mga estudyante ng BS Applied Mathematics na sina David Africa at Toby Leung, kalaban ang ilang mga paaralan katulad ng Sofia University ng Bulgaria, Tel Aviv University ng Israel at Princeton University ng Estados Unidos sa grand finals.

Pinagdebatehan ng naturang mga paaralan ang philosophical belief ni Ubuntu na: “people’s identities should be shaped by, and their obligations should primarily owed to, their communities.”

Tinalo rin ng Ateneo ang iba pang international institutions kasabay ng nine elimination rounds at iba pang break rounds.

Sa Facebook post, binati ni Loyola Schools Vice President Maria Luz Vilches ang Ateneo Debate Society, partikular na sina Africa at Leung sa kanilang pagkapanalo sa WUDC 2023.

“A great way to start the New Year!” aniya.

Ang WUDC ngayong taon ay ginanap mula Disyembre 27, 2022 hanggang Enero 4, 2023 kung saan ang kampyon noong nakaraang taon ay ang BRAC University ng Bangladesh. RNT/JGC