2.028M AstraZeneca COVID vax, dumating sa Pinas

2.028M AstraZeneca COVID vax, dumating sa Pinas

July 9, 2021 @ 5:19 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Dumating sa bansa ang pinakabagong batch ng AstraZeneca COVID-19 vaccine.

Aabot sa 2.028 million COVID-19 vaccine doses ang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 via Emirates flight EK332 bandang alas-4 ng hapon. Biyernes.

Mula ito sa COVAX Facility.

Dahil dito, umabot nasa 20.6 million ang COVID-19 vaccine ng Pilipinas.

Huwebes nang gabi nang dumating ang isang milyong AstraZeneca vaccine doses na donasyon naman ng Japanese government. RNT