2.18M Pinoy walang trabaho noong Nobyembre 2022

2.18M Pinoy walang trabaho noong Nobyembre 2022

January 6, 2023 @ 10:29 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Bahagyang bumaba sa 2.18 milyong Pilipino ang naitalang walang trabaho noong Nobyembre, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Biyernes.

Ang nasabing bilang ay katumbas ng national unemployment rate na 4.2%.

Naitala ang bahagyang pagbaba mula sa 2.24 milyong Pinoy na unemployed noong Oktubre ng nakaraang taon.

Sa pagsapit ng huling kwarter ng taon, tumataas ang bilang ng nagkakatrabaho dahil sa pagkuha ng mga negosyante ng mga tinatawag na seasonal workers dahil na rin sa nasabing kwarter naitatala ang pinakamalakas na paggastos bunsod ng holiday season. RNT