2.1M kabataan fully vaxxed na – Galvez

2.1M kabataan fully vaxxed na – Galvez

December 15, 2021 @ 7:45 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Higit pitong milyong kabataang edad 12-17 na ang nakatanggap ng unang dosage ng bakuna laban sa COVID-19, habang umabot na sa 2.1 milyon ang fully vaccinated.

Sa ulat ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 chief implementer, Secretary Carlito Galvez Jr. kay Pangulong Rodrigo Duterte na ang nasabing bilang ng mga bakunado sa kabataan ay nagkaroon ng malaking parte sa pagbubukas ng face-to-face classes.

“Ito po nakita po natin talaga na gustong-gusto na po ng mga kabataan at saka ng kanilang mga magulang na mabakunahan na po ang ating mga minors so that they can start already the face-to-face program,” ani Galvez.

“Parang nakita po natin talaga na ‘yung ating mga kabataan gusto na po ring makalabas,” dagdag pa niya.

Nagsimula abg pedriatic vaccination sa Pilipinas noong Oktubre. RNT