2.24M Pinoy jobless-PSA

2.24M Pinoy jobless-PSA

December 7, 2022 @ 9:29 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Umabot sa 2.24 milyon ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong Oktubre.

Katumbas ito ng national unemployment rate na 4.5%.

Ito ay mas mababa sa 2.5 milyon na naitala noong Setyembre, ayon sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Miyerkules.

Ang ikaapat na quarter ay itinuturing na pinakamalakas na panahon ng isang taon para sa mga negosyo dahil ang paggasta ng mga mamimili ay inaasahang tataas sa panahon ng kapaskuhan. RNT