2.2M Pfizer vaccine doses darating sa Hunyo 11

2.2M Pfizer vaccine doses darating sa Hunyo 11

June 1, 2021 @ 4:03 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Nakatakdang dumating sa bansa ang karagdagang 2.2 milyong dose ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine sa Hunyo 11 ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr.

“At ngayon ano po June 11 ay ia-announce ko na po na ‘yung 2.2 million ay darating po dito ngayon sa ating bansa,” ani Galvez sa isang briefing sa Palasyo.

“At ito po ay… diretso na po sa mga bayan natin sa Cebu, sa Davao, atsaka dito sa Metro Manila,” dagdag nito.

Matatandaang una nitong sinabi na darating ang Pfizer vaccine bago matapos ang Mayo.

Ayon pa sa vaccine czar na magiging maaayos na ang suplay ng bakuna mula sa COVAX facility na may mahigit na dalawang milyong dose kada buwan.

“‘Yung vaccine supply natin will be stabilized on the month of July, lalo na ‘yung AstraZeneca, Moderna, Sinovac, atsaka Sputnik,” saad ng opisyal.

Kamakailan sinabi ng Malakanyang na darating sa bansa ang 3.4 milyong dose ng COVID vaccine ngayong buwan.

Sa huling tala, mahigit 1.2 milyong Filipino na ang fully vaccinated o nakumpleto na ang dose ng COVID vaccine. RNT/ELM