Karagdagang floating assets idineploy ng PCG sa Mindoro oil spill

April 1, 2023 @11:41 AM
Views: 8
MANILA, Philippines – Nag-deploy pa ng dalawang karagdagang floating assets ang Philippine Coast Guard (PCG) para tumulong sa oil spill offshore response operations sa ground zero ng lumubog na MT Princess Empress.
Sinabi ng PCG na ipinadala nila sa Oriental Mindoro ang BRP Corregidor (AE-891) at BRP Habagat (TB-271).
Sa nasabing operasyon, ang Korean Coast Guard (KCG) Special Response Unit at ang Embahada ng Republic of Korea sa Pilipinas ay nagbigay din ng technical advice.
Samantala, ang PCG, U.S. Coast Guard at International Tanker Owners Polluting Federation Limited (ITOPH) ay nagsagawa ng aerial survey upang mag-inspeksyon sa mga dalampasigan at nagpapatuloy na oil spill response operations. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Kasal nina Maja at Rambo, sa beach sa Indonesia magaganap!

April 1, 2023 @11:30 AM
Views: 7
Manila, Philippines – Sa isang interview kay Maja Salvador at fiance nito na si Rambo Nunez ay kinumpirma nila na sa darating na July ng taong kasalukuyan sila ikakasal. Pero hindi nila sinabi ang eksaktong date. At sa isang beach daw nila planong ganapin ang kanilang kasal.
Pero hindi nila sinabi kung sa beach ba sa ‘Pinas o sa isang dagat sa ibang bansa.
Pero may nakarating ss aming chika na sa isang beach umano sa Bali, Indonesia magaganap ang kanilang kasal.
Ikinuwento namin ito sa online show namin nina Roldan Castro at Mildred Bacud sa Marisol Academy, na napapanood sa Abante News Online, Facebook, TikTok at YouTube every Wednesday, 4:00pm.
Kung sa Bali, Indonesia nga gagawin ang kasal nina Maja at Rambo, dapat ay sila ang gumastos sa airfare ng kanilang mga invited guests, mga abay at mga ninong at ninang ‘di ba? Or else, baka walang dumating sa kanilang kasal.
Ngayon pa lang ay binabati na namin ng best wishes sina Maja at Rambo. Rommel Placente
Alokasyon ng MWSS mula sa Angat-Ipo-La Mesa water system, tinaasan na

April 1, 2023 @11:28 AM
Views: 12
MANILA, Philippines – Tinaasan na ng National Water Resources Board (NWRB) nitong Biyernes, Marso 31, ang alokasyon ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) mula sa Angat-Ipo-La Mesa water system hanggang sa kalagitnaan ng Abril.
Sa pahayag, sinabi ng NWRB na napagdesisyunan nilang itaas sa 50 cubic meters per second (cms) ang alokasyon sa MWSS mula sa dating 48 cms.
Ito ay upang magkaroon umano ang La Mesa at Ipo Dam ng pagkakataon na makarekober sa komportableng lebel at masuportahan ang pangangailangan ng tubig sa Metro Manila.
“This resolution is to allow the Board to continuously review the effect of the requested allocation in the water supply from the Angat dam, especially in the light of the looming El Niño phenomenon,” sinabi ng NWRB.
Ang desisyon ng Water Board ay kasunod ng hirit ng water concessionaires na Manila Water at Maynilad na taasan ang alokasyon ng tubig sa 52 cms.
“In preparation for the looming El Niño, the NWRB will continue to carefully manage its water releases to brace for the impacts of this phenomenon and maintain the water supply throughout the year,” ayon sa ahensya.
“It assures the public that sufficient water will be supplied from the Angat dam for the summer months,” dagdag pa nito.
Sa hiwalay na pahayag, sinabi naman ng Maynilad na sa 50 cms, asahan na ang tubig na dadaloy sa Novaliches Portal sa Quezon City ay bawas pa rin.
“Given this, the current daily water service interruptions will remain in place, but the interruption schedules to be implemented starting April 1, 2023 have been adjusted to account for the full suspension of the cross-portal sharing arrangement between Maynilad and Manila Water,” ayon sa Maynilad.
Nitong Miyerkules, Marso 29, makararanas pa rin ng mahabang arawang service interruption ang mga konsumidores sa west zone simula sa susunod na linggo.
Nagpapatupad na rin ng water service interruptions sa service area ang Maynilad upang paghandaan ang epekto ng El Niño phenomenon o below-normal rainfall na inaasahan sa Hunyo.
Ayon naman sa Manila Water, sinabi nito na “it will continue to sustain the 24/7 uninterrupted service to our customers within the East Zone as we ready our augmentation programs and additional water sources to meet the demand during this summer.”
“The technical working group is readying its El Niño contingency measures including the recovery of non-revenue water (NRW), activation of deep wells, maximized use of water treatment plants, implementation of the early wet cropping season, and standby cloud seeding operations,” sinabi naman ng NWRB.
“NWRB appeals to the public to employ water-saving practices to help in maintaining the steady water supply from the reservoir. It is also encouraged to use alternative water sources and harvest rainwater appropriately,” pagpapatuloy nito. RNT/JGC
P2.2M shabu at marijuana, nasamsam sa NorMin

April 1, 2023 @11:15 AM
Views: 11
CAGAYAN DE ORO CITY – Sa loob lamang ng buwan ng Marso ay nakakumpiska ang Police Regional Office (PRO) 10 (Northern Mindanao) ng pinaniniwalaang shabu at plantasyon ng marijuana na may tinatayang P2.2 milyon na street value.
Sa pahayag ng PRO-10 nitong Huwebes, Marso 30, ang pinakahuli nilang nakumpiskang shabu na nagkakahalaga ng P737,800 ay sa bayan ng Maramag at Valencia sa Bukidnon.
Nitong Miyerkules, ang operatiba ng Bukidnon Provincial Drug Enforcement Unit ay nahuli ang isang Orlando Obial, nasa 6th most wanted drug personality sa bayan ng Maramag.
Nakuha kay Obial ang shabu na may halagang P329,000 at iba pang drug paraphernalia.
Samantala, ang PRO-10 Special Operations Unit – Provincial Drug Enforcement Group naman ay binunot at sinunog ang higit sa P1.5 milyon halaga ng 7,500 pananim na marijuana sa Barangay Guinuyoran, Valencia City noong Marso 24 habang nakatakas ang suspek.
Nagbabala naman si Gen. Lawrence Coop, PRO-10 director, sa cultivators na itigil na nila ang pagtatanim ng marijuana na labag sa ilalim ng batas Republic Act 9165 o angComprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nakasaad sa batas sa sinumang lumabag ay makukulong habambuhay at magbabayad ng halaga mula P500,000 hanggang P10,000,000.
Sinabi pa ni Coop na kamakailan, ang mga operatiba ng anti-narcotics ay nadakip si Christopher Lorenzo ng Barangay Carmen.
Narekober kay Lorenzo ang P408,000 halaga ng shabu. Mary Anne Sapico
Higit 77K pulis ipakakalat sa summer holiday

April 1, 2023 @11:02 AM
Views: 24