2.2M sa 2.5M nasawi sa COVID-19 mula sa mga bansang may mataas na antas ng obesity

2.2M sa 2.5M nasawi sa COVID-19 mula sa mga bansang may mataas na antas ng obesity

March 5, 2021 @ 7:17 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

LONDON, United Kingdom – Lumabas sa isang pag-aaral na mayorya ng namamatay sa COVID-19 sa buong mundo ay mula sa mga bansang may mataas na bilang ng mga obese.

Ayon sa isang pag-aaral, Huwebes, na 10 beses na mas mataas ang bilang ng nasasawi sa mga bansa may hindi bababa sa 50% ang overweight ng mga adult.

Ayon sa report na nagsabing may “dramatic”correlation sa  COVID-19 deaths sa isang bansa at ang obesity rates, kung saan 90% o 2.2 million ng 2.5 million deaths na naitatala dahil sa COVID-19 ay mula sa mga bansang may mataas na antas ng  obesity.

Sinuri ng pag-aaral ang mga datos ng COVID-19 death mula Johns Hopkins University sa United States at ng World Health Organization’s Global Health Observatory data ukol sa obesity.

Ayon sa awtor ng pag-aaral na hindi makikita ang mataas na COVID-19 death rates sa mga bansang may mababang antas ng obesity.

“Look at countries like Japan and South Korea, where they have very low levels of COVID-19 deaths as well as very low levels of adult obesity,” anu Tim Lobstein, isang expert advisor sa World Obesity Federation at visiting professor sa Australia’s Sydney University na co-led sa report.

“They have prioritized public health across a range of measures, including population weight, and it has paid off in the pandemic.”

Sa kabialng banda, nakita nila ang mataas na bilang ng nasasawi sa COVID-19 sa United States at Britain, bilang halimbawa, kung saan mataas ang lebel ng obesity.

Ayon kay John Wilding, professor of medicine sa Britain’s University of Liverpool at presidente ng World Obesity Federation, na dapat ikonsidera ang obesity bilang susi sa COVID-19 health risk at maikonsidera rin sa pagpaprayoridad sa vaccination plans.

“It’s really important that we recognise that obesity … increases the risk,” he said in a statement about the report’s findings. “Therefore, like other diseases such as diabetes and cardiovascular disease, people with obesity should be considered for early priority in vaccination programs across the world.” Ulat mula Reuters


  •  
  •  
  •