2.3M pamilya nawalan ng tirahan sa hagupit ni ‘Odette’ – NDRRMC

2.3M pamilya nawalan ng tirahan sa hagupit ni ‘Odette’ – NDRRMC

January 20, 2022 @ 7:53 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Umabot sa 2,336,249 pamilya ang nawalan ng tirahan sa hagupit ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao noong Disyembre.

Sa pinakahuling datos na inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) katumbas ito ng 8,329,076 na apektadong indibidwal.

Mula ito sa 8,910 barangay sa Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao region, Soccsksargen, Caraga, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Aabot naman sa 58,511 pamilya ang nananatili sa 1,170 evacuation centers habang ang 32,842 pamilya ang nakikituloy sa kanilang mga kapamilya at kaibigan.

Nasa 87 naman ang kumpirmadong nasawi sa bagyo, habang 193 ang sugatan, at anim ang nawawala.

Habang ang naiulat na 319 nasawi, 1,072 sugatan, at 59 nawawala ang bineberipika pa.

Nasa 1,369,433 kabahayan ang winasak ng bagyo sa Mimaropa, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao region, Soccsksargen, Caraga at BARMM. RNT