2, 4, 6-anyos , ginamit ng ina sa Cybersex porn

2, 4, 6-anyos , ginamit ng ina sa Cybersex porn

June 24, 2018 @ 10:46 AM 4 years ago


Malabon city – Tatlong batang magkakapatid na ginagamit umano ng kanila mismong ina sa cybersex ang nasagip ng mga awtoridad sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Nasagip ng Philippine National Police Women and Childrens Protection Center (WCPC) mula sa isang bahay sa Barangay Panghulo ang mga bata.

Natuklasan sa online surveillance operation na ibinebenta sila ng mismong ina sa nagpanggap na customer sa live sex sa internet.

Ang magkakapatid ay nasa edad na 2, 4 at 6.

Bukod sa kanilang ina, kasama rin sa operasyon ng cybersex ang kanilang tiyahin, lolo at lola.

Ayon sa PNP-WCPC, unang humingi ng tulong ang Nordic police nang may mahuling pedophile sa Norway.

“May na-recover po silang images at pati videos na nandoon sa laptop at nai-share sa atin ng Nordic police. Sila po ang nag-validate ng information, nagkaroon po tayo ng mga leads, substantial leads para magkaroon po tayo ng operation,” ayon kay Chief Supt. William Macavinta, PNP-WCPC director.

Ang mga batang Pilipino na nasa mga malalaswang larawan ay natunton ng awtoridad sa Malabon.

Ikinalulungkot ng PNP-WCPC na naging family business ang cybersex operation dahil mismong mga kamag-anak ng mga bata ang nagbebenta sa kanila sa online live sex kung saan ipinapagawa sa kanila kung anuman ang iutos ng parokyanong pedophile.

Ang lolo ng mga bata naman ang taga-kubra ng bayad sa mga money transfer companies.

Narekober sa bahay ang mga resibo mula sa mga ibinayad sa money transfer at sex toys na ginagamit sa mga bata sa online live sex.

Nasa pangangalaga na ngayon ng Department of Social Welfare and Development ang mga batang biktima.

Ayon sa WCPC, mula Hulyo 2016 hanggang Mayo 16 ngayong taon, umaabot na sa halos 50 ang mga naisagawang operasyon laban sa online sexual exploitation of children kung saan halos 160 na ang nare-rescue na mga menor de edad.

Umaabot sa 57 suspek naman ang naaresto na habang 60 ang napatunayan nang nagkasala sa korte. (Stan Yabot)