2.4M Pinoy swak sa cash transfer program ng DSWD

2.4M Pinoy swak sa cash transfer program ng DSWD

November 30, 2022 @ 5:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Aabot sa 2.4 milyong Pilipino ang target na maisama sa cash transfer program ng social welfare department.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang validation ng mga indibidwal na makasasama rito matapos ilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P5.2 bilyon para sa ikatlong tranche ng target na cash transfer program.

“Sinimulan na ng [Department of Social Welfare and Development] ang community validation para ma-identify ang 2.4 (million) na additional beneficiaries natin,” ani Social Welfare Undersecretary Edu Punay.

“When it comes to requirement, wala naman tayong hinihinging documentary requirements sa kanila dahil sila ang magiging target ng ating community validation,” dagdag pa ni Punay.

Sinabi ni Punay na ang mga natukoy na benepisyaryo ay makakakuha ng P500 kada buwan para sa susunod na anim na buwan, habang ang pamamahagi ng cash aid ay patuloy na para sa mga buwan ng Hulyo at Agosto o ang “unang dalawang tranches” ng programa. RNT