2 abogado napipisil ni Remulla na mamuno sa BI, LRA

2 abogado napipisil ni Remulla na mamuno sa BI, LRA

August 25, 2022 @ 10:50 AM 1 month ago


MANILA, Philippiens – Idiniga na ni (DOJ) Secretary Jesus Crispin C. Remulla kay Pangulong Ferdinand β€œBongbong” Marcos Jr. ang dalawang abogado na napipisil niya para pamunuan ang Bureau of Immigration (BI) at ang Land Registration Authority (LRA).

β€œI nominated Atty. Joel Viado for immigration, Atty. Gerry Sirios for land registration,” ani Remulla sa Kapihan sa Manila Bay forum.

Sinabi niya na ang kanyang mga nominasyon ay para sa “dalawang napakahalagang opisina na kailangang ayusin.”

Ang BI at LRA ay mga ahensyang nakasailalim sa DOJ.

Si Viado ay nagtapos sa kanyang law degree sa Unibersidad ng Pilipinas habang si Sirios ay nagtapos sa Unibersidad ng Perpetual Help bilang abogado rin.

Dagdag pa ni Remulla na hinihintay niya na lang ang pag-apruba ni Marcos sa kanyang mga nominasyon.

Noong nakaraang buwan, itinalaga ni Remulla si BI Immigration Regulation Division Chief Rogelio D. Gevero, Jr. bilang officer-in-charge ng bureau.

Batay sa website nito, ang LRA ay pinamumunuan ni Administrator Renato D. Bermejo. RNT