2 adik, bulagta sa Lambingan

2 adik, bulagta sa Lambingan

August 2, 2018 @ 1:53 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Todas ang dalawang drug suspek nang manlaban sa mga operatiba ng Manila Police District-Police Station 7 kaninang madaling araw sa  Tondo, Maynila.

Nakilala ang mga napatay na si  Noel Cervantes alyas Alex at isang Athan.

Sa imbestigasyon ni PO3 Joel Ascaño,  bago maganap ang engkuwentro ay nagsagawa muna ng buy bust operation ang mga tauhan ng MPD-PS 7 pero nakahalata umano ang mga suspek na pulis ang kanilang katransaksiyon kaya mabilis na bumunot ng baril at nagpaputok sa mga operatiba.

Napilitan namang gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta ng kamatayan ng dalawang suspek dakong alas-4 ng madaling araw sa kahabaan ng Lambingan Bridge, New Antipolo St., Tondo, Maynila .

Pitong plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P1,400 ang narekober sa mga suspek.

Nakuha rin sa kanila ang P1,000 bill, kalibre 22, kalibre 38, tatlong buhay na bala, motorsiklo  na walang plaka at wallet na naglalaman ng 11 plastic sachet ng shabu na may street value na P2,000. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)