2 African nagpanggap na Canadian citizen, naharang ng BI sa NAIA

2 African nagpanggap na Canadian citizen, naharang ng BI sa NAIA

October 5, 2022 @ 5:29 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dalawang African, isang babae at isang lalaki, makaraang tangkaing pumasok sa bansa at magpanggap na mga Canadian citizen.

Sa ulat kay Immigration Commissioner Norman Tansingco ni BI port operations chief Atty. Carlos Capulong sinabi nito na ang dalawang pasahero ay dumating sa NAIA terminal 3 noong Setyembre 25 lulan ng Emirates flight galing Dubai.

Ayon kay Capulong ang dalawa ay nagpakita ng pekeng Canadian passports sa immigration officers subalit pinagdudahan ang kanilang mga dokumento.

Kinilala ang lalaking pasahero na si Adraman Issa Mariam habang ang babae ay si Halime Abba Souleymane, kapawa African national.

“Apparently, they attempted to conceal their true nationality in the belief that they would be allowed entry into the country without being subjected to strict inspection by our officers. They are wrong to assume that such documents can pass as legitimate,” ayon kay Capulong.

Agad namang ipinag-utos ni Tansingco ang pagsama ng kanilang pangalan sa immigration blacklist upang hindi sila muling makapasok ng bansa.

“I commend our officers at the NAIA for a job well done. Due to their vigilance, we were able to frustrate the intentions of these undesirable aliens to gain illegal entry into our country,” ayon pa sa BI chief. JAY Reyes