2 alkalde pinagbabaril sa Zambo

2 alkalde pinagbabaril sa Zambo

December 6, 2021 @ 1:00 PM 10 months ago


ZAMBOANGA CITY- Dalawang alkalde sa probinsya ng Basilan ang pinagbabaril sa Baliwasan Seaside, lampas alas-8 ng umaga nitong Lunes, kung saan isa ang sugatan habang pumanaw naman ang isang biktima.

Kinilala ang mga biktima na sina Alih Awal Sali l, alkalde ng Akbar, Basilan at Darussalam Saguindilan Lajid, alkalde ng Al-Barka, Basilan na nasawi sa naturang insidente.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na apat na hindi pa nakikilalang sakay ng motorsiklo ang suspek sa pamamaril sa mga biktima gamit ang caliber-45 pistols.

Agad na tumakas patungo sa loob na bahagi ng Seaside, Barangay Baliwasan ang mga naturang suspek matapos ang insidente.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng checkpoint operations ang mga kapulisan upang maaresto ang mga suspek. RNT/SA