2-anyos na nawawala, natagpuang bangkay sa bahay ng kapitbahay

2-anyos na nawawala, natagpuang bangkay sa bahay ng kapitbahay

November 25, 2022 @ 12:16 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Bangkay na nang matagpuan sa bahay ng kapitbahay ang isang batang nauna nang naiulat na nawawala sa Concepcion, Tarlac.

Kinilala ang biktima na si Axel Castro, 2-anyos, ng Barangay Green Village.

Nadiskubre ang bangkay matapos na maulanigan ng kamag-anak nito ang pag-uusap ng mag-inang kapitbahay na parang nakokonsensya sa nagawa.

“May narinig silang magkuwento nung mag-ina, yung sabi niya ‘Nanay ‘di ‘ko na kaya.’ Sabi daw noong pumatay. Narinig ng kapatid kong lalaki, biglang pumasok sa bahay tapos nakita sa kuwarto nakahandusay ang bata,” ayon kay Kagawad Rodel Evaristo, tiyuhin ng biktima.

Nakabusal pa ang bibig, sugatan at puro pasa ang paslit nang matagpuan sa bahay, ayon sa pulisya.

Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon sa krimen. RNT