2 arestado sa P1.1M shabu, granada

2 arestado sa P1.1M shabu, granada

May 4, 2022 @ 12:18 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Swak sa hoyo ang dalawang tulak nang masamsaman ng halos P1.1 milyong halaga ng shabu at granada sa Navotas.

Arestado sina Mark Joseph Nicandro, 34; at Jomar Jayona, 24, sa buy-bust operation na isinagawa sa nitong Martes, alas-1:25 ng madaling araw sa Ignacio St., Barangay Daanghari, ng lungsod matapos paiskorin ng shabu ang isang undercover kapalit ng P300.

Aabot sa 160 gramong shabu na may presyong P1,088,000 ang nasamsam sa mga dinakip.

Maliban dito ay nakuha rin sa kanilang pag-iingat ang isang granda, timbangan, itim na sling bag, isang berdeng notebook at isang cell phone. Merly Iral