2 arestado sa P340K shabu sa Valenzuela



2 arestado sa P340K shabu sa Valenzuela

June 10, 2021 @ 11:31 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Swak sa kulungan ang dalawang hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng higit sa P.3 milyon halaga ng iligal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, ang naarestong mga suspek na sina Bravery De Juan, alyas “Ching”, 26, ng Home Centrum at Delfin Salundaguit Jr, alyas “Jhundel”, 23 ng Don Seferino St. San Agustin Village, kapwa ng Brgy. Mapulang Lupa.

Sa imbestigasyon ni PSMS Fortunato Candido, dakong alas-6 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo sa ilalim ng pangangasiwa ni Col. Haveria ng buy bust operation sa Don Seferino St. San Agustin Village, Mapulang Lupa.

Nagawang makapagtransaksyon ng isang pulis na nagpanggap na buyer ng iligal na droga sa mga suspek ng P1000 halaga ng shabu.

Matapos tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng droga ay agad nagbigay ng signal ang pulis sa back-up na mga operatiba na mabilis namang lumapit saka sinunggaban ang dalawa.

Nakumpiska sa mga suspek ang 14 pirasong transparent plastic sachets na naglalaman ng nasa 50 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P340,000.00, buy-bust money, P1,200 cash, dalawang cellphones at pouch.

Kasong paglabag sa Sections 5, 11 at 26 under Art II of RA 9165 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Valenzuela City Prosecutors Office. R.A Marquez


  •  
  •  
  •