2 arestado sa P7M marijuana sa Mt. Province checkpoint

2 arestado sa P7M marijuana sa Mt. Province checkpoint

September 15, 2022 @ 10:28 AM 3 weeks ago


MT. PROVINCE- Umaabot sa mahigit P7,000,000 halaga ng marijuana ang nasabat mula sa dalawang adik sa interdiction operation ng mga awtoridad sa isang checkpoint sa Sitio Ampawilen, Poblacion, Sadanga, Mountain Province.

Sa ipinarating na ulat kay Gil Cesar Castro, Regional Director ng PDEA CAR ang mga suspek ay kinilalang sina sina Eliseo IV San Pedro Quiambao, 31-anyos at John Cedric Gadia, 21-anyos na parehong residente ng Quezon City.

Una rito, pinara ng Sadanga Police Station ang isang Toyota Vios sa checkpoint at doon nadiskubre ang tatlong sako ng marijuana brick.

Mayroong 67 piraso ng marijuana bricks na may timbang na 64,283 na gramo na nagkakahalaga ng mahigit P7.7 milyon ang nasamsam sa operasyon.

Nakumpiska mula sa pag-iingat ng mga suspek ang isang cellphone, driver’s license at ang ginamit na sasakyan.

Nahaharap sa kasong R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Rey Velasco