2 arestado sa prostitusyon, 9 biktima nasagip

2 arestado sa prostitusyon, 9 biktima nasagip

March 14, 2023 @ 1:26 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Dalawang indibidwal ang inaresto ng mga operatiba ng NBI-Cybercrime Division (NBI-CCD) sa General Mariano Alvarez (GMA), Cavite dahil sa pag-aalok ng babaeng sex workers nang libre sa social media.

Kinilala ang mga naaresto na sina Rodel Miranda y Canoy alyas Gigzo at Jesus Manuel Genio y Bustamante alyas Buboy.

Nag-ugat ang operasyon mula sa confidential information na ang isang social media account na natukoy bilang Gigzo Anap Reyes na sangkot sa trafficking ng mga bata at kabataan.

Upang tugunan ang sumbong, agad na nagkasa ng survellaince ang NBI-CCD dahilan para matuklasan ang social media account sa sangkot sa prostitusyon sa pag-post ng ilang larawan ng mga babae na inaalok para sa sexual service sa social media group.

“Thru undercover work, Agents of NBI-CCD were able to transact with Gigzo using social media and the former agreed to avail of the services of the girls being offered by the latter.”, ayon sa NBI.

Dinala ang mga kababayan SA isang apartelle sa GMA,Cavite kung saan sila naaresto matapos tanggapin ang marked money.

Sa nasabing operasyon, nasagip naman ang siyam na kababaihan na ngayon ay nasa pangangalaga ng DSWD Social Workers. Jocelyn Tabangcura-Domenden