2 Army intel pinagbabaril-patay ng NPA

2 Army intel pinagbabaril-patay ng NPA

November 25, 2022 @ 6:36 AM 2 days ago


NEGROS Occidental – Pinatay ng mga hinihinalang rebeldeng New People’s Army (NPA) ang dalawang intelligence officer ng 47th Infantry Battalion (47IB) ng Philippine Army sa Barangay Camindangan, Sipalay City.

Sa ulat ng Negros Occidental Police Provincial Office (NOCPPO) kinilala ang mga nasawi na sina Sgt. Regie Glindro at Staff Sgt. Ken Camilan, na nagsasagawa ng reconnaissance operation nang sila ay habulin ng mga salarin sa isang maburol na bahagi ng Sitio Camboguiot.

“A group of armed men with unknown caliber of firearms shot both victims, hitting them on the different parts of body that resulted to their instantaneous death,” ayon pa sa ulat.

Ayon sa ulat, sina Glindro at Camilan ay intelligence operatives ng 47IB na nakabase sa Barangay Haba ng karatig bayan ng Candoni.

Sinabi ng mga saksi na ang mga sundalo ay binaril ng limang lalaki, na tumakas sakay ng dalawang motorsiklo, batay sa isa pang ulat na nakuha ng lokal na media. RNT