2 Australian Thai cave hero, sinabitan ng medalya

2 Australian Thai cave hero, sinabitan ng medalya

July 24, 2018 @ 6:57 PM 5 years ago


Australia – Ginawaran ng parangal ni Prime Minister Malcolm Turnbull ang siyam na tumulong sa pag-rescue sa Thai boy’s soccer team.

Tumawag ng pansin sa buong mundo ang madamdaming pag-rescue sa 12 miyembro ng ‘Wild Boars’ team at ng kanilang coach dahilan para magsanib pwersa ang mga volunteer sa iba’t ibang bansa kabilang na ang mula sa Australia.

“If only leaders were as collaborative as you were,” ayon kay Turnbull sa naganap na pagpaparangal. “You held up an example to us all.”

Ibinigay ni Australia governor-general Peter Cosgrove ang ikalawang pinakamataas na bravery award – Star of Courage kay Richard Harris at veterinarian Craig Challen na ipinagpalit ang holiday para makiisa sa pagligtas sa mga na-trap sa kweba. (Remate News Team)