2 bagitong holdaper, kalaboso

2 bagitong holdaper, kalaboso

July 31, 2018 @ 12:30 PM 5 years ago


 

Sta. Ana, Maynila – Dalawang bagitong holdaper at pawang mga estudyante ang naaresto ng mga tauhan ng MPD-Police Station 6, Martes ng madaling araw sa Sta.Ana, Maynila.

Pinipigil ngayon ng MPD-PS 6 ang mga suspek na pinangalan lamang na si “Aljhon” at “Carlo” na pawang mga menor de edad, kapwa estudyante at nakatira sa, Sta.Ana, Maynila.

2 bagitong holdaper, timbog | REMATE FILE PHOTO | CRISMON HERAMIS

Ayon sa ulat ni P/Supt. Albert Barot, hepe ng MPD-PS 6 na tinangkang holdapin ng dalawang bagitong holdaper ang taxi driver na si Art Virgo, 46, nakatira sa Bagong Ilog, Pasig City.

Pasado ala-1 umano nang maganap ang insidente sa Lamayan sa Sta.Ana, Maynila.

Maagap namang natunugan at narespondehan ng mga tauhan ng MPD-PS 6 Tactical Motorcycle Riders (TMR) ang insidente na noon ay nagroronda sa lugar.

Inihahanda na ang kasong robbery laban sa mga bagitong holdaper na umanoy nagpra-parktis pa lamang bilang mga kawatan. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)