2 bagong CA justice itinalaga ni Digong

2 bagong CA justice itinalaga ni Digong

May 19, 2022 @ 10:53 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Binati ng Malakanyang sina John Zurbito Lee at Eleuterio Larisma Bathan makaraang italaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang Associate Justices ng Court of Appeals.

“We wish both Associate Justices all the best, and we are confident that they would dispense justice with fairness, impartiality and integrity,” ayon kay Presidential Communications Secretary at Acting Presidential Spokesperson Sec. Martin M. Andanar.

Nauna rito, itinalaga naman ni Pangulong Duterte si Maria Filomena Singh bilang bagong Associate Justice ng Korte Suprema ng Pilipinas.

Si Justice Singh ay nagsilbi bilang Associate Justice ng Court of Appeals.

“We are confident that she would continue to uphold judicial excellence and independence in the High Court,” ayon kay Presidential Communications Secretary at Acting Presidential Spokesperson Sec. Martin M. Andanar.

“We wish AJ Singh success in her new assignment,” dagdag na pahayag ni Andanar.

Si Singh ang pang-194 na Associate Justice at sinasabing huling appointee ni Pangulong Duterte sa SC bago bumaba sa puwesto sa darating na Hunyo 30.

Pinalitan ni Singh si dating SC Justice Estela Perlas-Bernabe na nagretiro nitong Mayo 14.

Batay sa impormasyon, bandang alas-5:00 ngayong hapon ang oathtaking o panunumpa sa tungkulin ng kapatid ni Health spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Kris Jose