2 bagong dump truck, pinasinayaan; OBOP winners pinarangalan sa Navotas

2 bagong dump truck, pinasinayaan; OBOP winners pinarangalan sa Navotas

November 22, 2022 @ 3:23 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Pinangunahan ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco kasama ang city council ang awarding ng 2022 One Barangay One Product (OBOP) winners at ang blessing ng dalawang bagong dump trucks sa lungsod.

Nakuha ng Brgy. Tangos North sa OBOP award sa kanilang kakaning tibok-tibok at nakatanggap ng P30,000 cash prize na kanilang gagamitin pangdagdag sa production capital.

Nasungkit naman ng Brgy. Navotas West ang P25,000 second place sa kanilang tuna chips at ang Brgy. Tanza 1 ay tumanggap naman ng P20,000 sa ikatlong pwesto sa kanilang mushroom farming project.

Ang mga OBOP entries ay hinusgahan base sa originality (10%), marketability (30%), taste/quality (30%), at actual presentation ng mga produkto (30%) kasama sa mga entries ang potato crab ball ng Brgy. Tanza 2, Chinese kikiam ng Brgy. Tangos South, relyenong bangus ng Brgy. San Roque, tocihong ng Brgy. Daanghari at longganisang hubad ng Brgy. San Jose.

Habang kasama rin ang crab siomai ng Brgy. San Rafael Village, fish empanada ng Brgy. North Bay Blvd. South (NBBS) Proper, shrimp tempura ng Brgy. NBBS Dagat-dagatan at mga various souvenir products ng Brgy. NBBS Kaunlaran at kasama rin ang fish longganisa ng Brgy. Bagumbayan North, macrame plant hanger ng Brgy. Bagumbayan South, bagoong ng Brgy. Bangkulasi, sukang silangan ng Brgy. Navotas East at puto fish pao ng Brgy. Sipac-Almacen.

“Navotas is rich in raw materials that can be utilized to produce new and innovative products. We encourage Navoteños to use and make the most out of these resources,” ani Mayor Tiangco.

Samantala, ang lokal na pamahalaan ng Navotas ay nakapagdagdag ng dalawang bagong trucks na makatutulong maghakot ng garbage collection at mapalakas ang waste management program.

Kinilala rin ng lungsod ang mga tanggapan ng lokal na pamahalaan at mga ahensya na umani ng mga parangal at pagkilala kamakailan. R.A Marquez