2 bagong kaso ng COVID sa New Zealand, galing Pinas

2 bagong kaso ng COVID sa New Zealand, galing Pinas

August 5, 2020 @ 5:49 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Dalawang Pinoy na nagpositio sa COVID-19 ang naitalang panibagong kaso ng nasabing sakit sa New Zealand, ayon sa kanilang Health Ministry.

Sa isang pahayag, sinabi ng health ministry na ang unang kaso ay isang lalaki na nasa edad 20 na dumating sa New Zealand noong Hulyo 23 mula sa Pilipinas via Hong Kong kung saan nasa nagnegatibo ito sa isolation facilities sa Rydges sa Tororua sa loob ng tatlong araw at inilipat sa Auckland quarantine facility matapos magpositibo sa nasabing sakit.

Habang ang isa naman ay babae na nasa edad 40 na dumating naman sa nasabing bansa noong Agosto 1 na mula rin sa ating bansa via Hong Kong kung saan nasa isolation facility ito sa Grand Millennium sa Auckland at nagpositibo sa loob ng tatlong araw nitong pamamalagi.

Sa kasalukuyan ay may kabuuang 24 ang active cases sa mga managed isolation facility ng nasabing bansa kung saan nilinaw ng health ministry na hindi na kailangang i-confine ang mga ito.

Bunsod ng dalawang panibagong kaso, umabot na sa kabuuang 1,219 ang kumpirmadong kaso ng nasabing sakit sa New Zealand.

Patuloy naman silang nagpapaalala sa publiko na gumamit ng mask para makaiwas sa nasabing sakit. RNT/LF


  •  
  •  
  •  

Loading...