2 bagong labor agreement pinag-uusapan ng Pilipinas at Aleman

2 bagong labor agreement pinag-uusapan ng Pilipinas at Aleman

April 18, 2022 @ 4:16 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pinag-uusapan ng gobyerno ng Pilipinas at Aleman ang dalawang bagong labor agreement na magbubukas ng pinto para sa mga Filipino workers sa iba pang kategorya ng kasanayan maliban sa nars.

Sinabi ni  Labor Secretary Silvestre Bello III na ang isang labor agreement ay layon na madagdagan ang para sa pagrecruit ng Filipino healthcare professionals, habang ang isa pang labor agreement ay nakatuon sa deployment ng 31 iba pang kasanayan at propesyon .

Ang tukoy na pilot sectors ay hotel  service, electrical engineering at mechanics, sanitation, heating and air conditioning, at child care.

Binanggit ng kalihim na umaasa ito na ang labor agreements ay maisasapinal.

“We are hopeful that the two agreements could come to fruition within the term of President Duterte and mark a significant milestone in the history of Philippine-German bilateral relations,” sabi ni Bello.

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay nagpapakalat ng mga Pilipinong nars sa Germany sa ilalim ng Triple Win Program.

“Since 2013, we have deployed around 1,811 nurses under the Program, which is exempted from the cap on the overseas deployment of Filipino healthcare workers,” sabi ni Bello sa turnover ng German-funded Geriatric Skills Laboratory sa Baliuag University sa Bulacan kamakailan.

Pinopondohan ng Bertelsmann Stiftung Foundation ang laboratoryo sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng mga ahensya ng Pilipinas at German sa ilalim ng Triple Win Program-Global Skills Partnership program.

Ang pagpapalawak ng Triple Win Program, ang Global Skills Partnership program ay nagbibigay ng access sa German training sa pamamagitan ng face-to-face, e-learning, at iba pang alternatibong pamamaraan.

Kinilala rin ang geriatric care bilang isa sa mga priority skills na kailangan ng mga nurse sa European country. Jocelyn Tabangcura-Domenden