2 bagong species ng salagubang nadiskubre sa Ifugao

2 bagong species ng salagubang nadiskubre sa Ifugao

July 14, 2022 @ 7:55 PM 1 month ago


DALAWANG water scavenger beetle species ang nadiskubre sa Ifugao noong kasagsagan ng pandemya.

Pinangalanan ito nina Ateneo de Manila BS Biology major Enrico Gerard Sanchez, kanyang thesis adviser na si Dr. Emmanuel Delocado, at co-adviser Prof. Dr. Hendrik Freitag na: Anacaena angatbuhay at Anacaena auxilium.

Ang unang species ay ipinangalan sa anti-poverty program ni dating Vice President Leni Robredo na Angat Buhay.

Ayon sa mga author, ang nasabing pangalan ay sinang-ayunan ng mga Pilipinong nagtatrabaho para sa mga komunidad sa mga liblib na lugar na hindi gaanong napapansin ang kanilang pagsisikap.

Habang layon ng ibinigay na pangalan sa ikalawang species, ang Anacaena auxilium, na kunin ang atensyon ng mga tao sa pangangailangan na tutukan ang vulnerable state ng freshwater biodiversity sa Southeast Asian region.

Labis na hinangaan ang naturang pag-aaral lalo na’t isinagawa lamang ito gamit ang at-home lab setup noong panahon ng pandemya.

Gumamit si Sanchez ng home lab microscope upang ma-dissect at mapag-aralan ang mga beetle sa kanilang bahay.

Ang pag-aaral ay inilathala sa international scientific journal. RNT/ JCM