2 bangkay itinapon sa gilid ng kalsada

2 bangkay itinapon sa gilid ng kalsada

May 30, 2022 @ 5:44 PM 1 month ago


IMUS, Cavite – Blanko pa sa ngayon ang mga awtoridad sa pagkakakilanlan ng bangkay ng dalawang lalaki na pinaghihinalaang biktima ng salvage o summary execution matapos itapon sa gilid ng kalsada na nakabalot sa trash bag nitong Linggo.

Batay sa report ng Imus City-PNP, natagpuan ang bangkay ng mga biktima sa gilid ng kalsada sa kahabaan ng Daang Hari Road, Pasong Buaya 1, Imus City.

Kuwento ng mga construction workers ng Ayala Corp sa nasabing lugar nagulat na laman sila ng makita ang dalawang trash bag na may laman bangkay ng dalawang lalaki.

Inilarawan ng pulisya ang mga biktima na nakabalot ang buong katawan ng trash bag, duct at masking tape.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad para alamin ang motibo at responsable sa krimen.

Naniniwala naman ang awtoridad na posibleng pinatay sa ibang lugar ang mga biktima at itinapon lamang ito sa naturang lungsod para iligaw ang imbestigasyon. Mary Anne Sapico