2 bangkay lumutang sa irigasyon sa Isabela

2 bangkay lumutang sa irigasyon sa Isabela

July 13, 2021 @ 10:22 AM 1 year ago


ISABELA-Dalawang bangkay ang palutang-lutang sa irigasyon canal ang natagpuan na pinaniwalaang summary execution sa magkahiwalay na bayan dito sa naturang lalawigan.

Nakilala ang biktima na si Jimmy Gallebo, 58 taong gulang, isang magsasaka at residente rin sa nabanggit na lugar.

Lumabas sa imbestigasyon ng Alicia Police Station, bumisita umano ang biktima sa bahay ng kaniyang pinsan kahapon at nagkaroon sila ng inuman.

Subalit, kaninang umaga lamang ay nakita ng mga residente sa lugar ang palutang-lutang na katawan nito sa irigasyon sa bahagi ng Barangay San Juan na malapit din sa kaniyang bahay.

Ayon kay PMaj Francis Pattad, hepe ng Alicia Police Station  lango umano sa alak ang biktima at posible aniya na dahil sa kalasingan ay dumeretso at nahulog ito sa irigasyon kasama ang bisekleta na sanhi ng kanyang pagkalunod.

Samantala, natagpuan din na palutang-lutang sa irigasyon canal sa Purok 4B Sitio Calangcoasan Brgy. Wigan Cordon, Isabela ang bangkay ni Ronald Liban, 41-anyos, may-asawa at residente ng Brgy Saranay Cabatuan Isabela.

Matapos ipagbigbigay alam sa himpilan ng pulisya ay agad tinungo sa pangunguna ni PCapt. Grandeur Tangonan, hepe ng Cordon Police Station ang lugar kung saan ay bumubgad sa kanila ang palutang-lutang na bangkay.

Una rito, binisita umano ng biktima ang kanyang kapatid na si Rolando Tayao sa Barangay Villamarzo kung saan siya ay nakitulog.

Umalis umano ang biktima na hindi nagpaalam hanggang sa nabalitaan na lamang na mayroon bangkay na palutang-lutang na natagpuan na kinomperma ng kanyang kapatid.

Sa ngayon ay patuloy na nagsasagawa ng malalaming imbestigasyon ang pulisya sa magkahiwalay na insidente ng pagkalunod na natagpuan bangkay. REY VELASCO