2 bangkay ng lalaki itinapon sa kalsada

2 bangkay ng lalaki itinapon sa kalsada

January 18, 2023 @ 11:29 AM 2 weeks ago


QUEZON- INAALAM na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng dalawang bangkay ng lalaki na biktima ng salvage o summary execution sa gilid ng kalsada sa magkahiwalay na lugar sa lalawigan ito.

Batay sa report ng Sariaya Municipal Police Station, unang natagpuan ang bangkay ng lalaki dakong 6:45 AM sa kahabaan ng Eco Tourism Road Sitio Bagong Pook, Barangay Talaan Aplaya, Sariaya, Quezon.

Inilarawan lamang ng mga awtoridad ang biktima na nasa 40 hanggang 45- anyos, nakasuot ng t-shirt (Santa Cruz), itim na jogger pants, itim na Laker’s ball cap, itim na sandals at may sputnik tattoo sa kanang braso.

Nakita rin ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima na naging sanhi ng kamatayan nito.

Samantala, sa gilid ng bypass road sa Tayabas City, natagpuan rin ang bangkay ng lalaki na may plastic na nakabalot sa mukha, nakagapos ang mga kamay at paa at may tama ng bala ng baril sa ulo.

Sa ngayon nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung may kaugnayan ang dalawang bangkay at iisa lamang ang responsable sa krimen na maaring pinatay ang mga ito sa ibang lugar at itinapon laman sa mga naturang mga bayan para iligaw ang imbestigasyon ng mga awtoridad./Mary Anne Sapico