2 bangkay, pinalaman sa trak ng gulayan sa Benguet

2 bangkay, pinalaman sa trak ng gulayan sa Benguet

July 8, 2021 @ 3:28 PM 1 year ago


BAGUIO CITY – Dalawang bangkay ang nakita sa loob ng isang trak ng gulayan sa Cuba, Kapangan, Bengue, ayon sa pulisya.

Ayon kay Capt. Marnie Abellanida, information officer ng Police Regional Office Cordillera (PROCor), na base sa inisyal na ulat, nakita ang mga bangkay sa trak na may lamang mga sayote bandang alas-5:30 ng umaga, Miyerkoles.

Ayon sa pulisya na base sa tatak ng trak na “Kibungan vegetable dealer” galing umano ito sa Sagpat, Kibungan at papunta sana sa La Trinidad.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Eliterio Sacla Licudan, magsasaka, 47, residente ng Sagpat, Kibungan, Benguet; at Jerick Lidama, 25 anyos, may asawa.

Positibong kinilala naman ng anak ni Licudan ang amang nasawi.

Sa ngayon ay nagkasa na ng operasyon ang pulisya para tugisin ang mga salarin. RNT