2 barangay chairman sa Isabela kakasuhan sa ‘di pagsunod sa health protocol; tserman sa Cagayan pinagpapaliwanag sa kasalan

2 barangay chairman sa Isabela kakasuhan sa ‘di pagsunod sa health protocol; tserman sa Cagayan pinagpapaliwanag sa kasalan

May 31, 2021 @ 2:34 PM 2 years ago


ISABELA – Kasalukuyan ng umuusad sa konseho ng Lokal na Pahalaang ng Echague ang kaso laban sa dalawang barangay chairman matapos na hindi umano ipinaalam sa mga kinauukulan ang mga pagtitipong naganap sa kanilang nasasakupan pangunahin na ang paglabag sa ipinaiiral na health protocols laban sa Covid-19 sa bayan ng Echague, ng nasabing lalawigan.

  Sa nakalap na impormasyon, kinumpirma ni Isabela LNB Federation Prsident Dante Halaman, na ang dalawang barangay kapitan na kakasuhan ay mula sa Barangay Libertad at Barangay Dammang West, bayan ng Echague, Isabela.

 Kung saan, ay hindi nila umano sinunod ang mahigpit na kautusan ni Pangulong Rodrigo, na huwag nilang payagan ang mga pagtitipon, na sa sandaling hindi sumunod sa kanyang kautusan ng mga barangay kapitan ay kaagad na kasuhan ang mga ito sa sandaling magsagawa ng mass gathering sa kanilang nasasakupan.

Napag-alaman ng LGU Echague na ang dalawang opisyal ng barangay na hindi pa nila inilantad ang kanilang mga pangalan, ay umuusad na umano ang kaso laban sa kanila dahil sa hindi nila ipinagbigay alam sa pamunuan ng PNP Echague na may nangyaring pagtitipon kung saan ay isang Debut Party sa Barangay Libertad at kasal na may pasayaw sa Barangay Dammang West na parehong dinaluhan umano ng maraming tao.

Depensya naman ng dalawang barangay kapitan, na hindi sila nagkulang sa pagpapaalala sa kanilang nasasakupan ngunit mayroon parin talagang matitigas ang kanilang ulo.

Sa panig naman ni Municipal Mayor Francisco ‘’Kiko’’ Dy, disidido umanong kasuhan ang dalawang barangay opisyal dahil sa hindi nila pagreport sa kapulisan sa naganap na psgtitipon sa kanilang barangay.

 Sa ngayon ay patuloy parin ang pakikipag-ugnayan ng Kapulisan, LGU Echague at mga sangkot na kapitan kaugnay sa kasong ito.

 Samantala, pinagpapaliwanag naman ng LGU Cagayan si Mayor Joan Dunuan ng Baggao Cagayan dahil sa umano’y hindi pagsunod sa health protocols kung saan ay may mga kumakalat na larawan at video ng punong bayan ng pagsasayaw sa isang kasalan na wala umanong suot si mayor Dunuan ng facemask.

Ayon naman ka Cagayan Gobernor Manuel Mamba, maaring imbitahan umano ng pamahalaang panlalawigan ng Cagayan si Mayor Dunuan sa kanilang regular na pagpupulong, upang ito ay magpaliwag hinggil sa pagpayag nito nang pagdadaos ng kahalintulad na pagtitipon na dinaluhan pa ng alkalde at maraming tao, na labag sa umiiral na community quarantine. JUN C. FUENTES