2 batang babae nalunod patay

2 batang babae nalunod patay

April 24, 2022 @ 9:45 AM 2 months ago


DALAGUETE, Cebu – Maagang binawian ng buhay ang dalawang batang babae matapos malunod habang naliligo sa dagat nitong Biyernes.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jhillary May Belanizo Rivera, 8, grade 3 pupil, taga Brgy. Manangal at Kylie Lopez, 10, grade 4 pupil, kapwa residente sa Brgy. Casay, sa naturang lungsod.

Ayon kay Police Senior Master Sgt. Arnold Frenal, Dalaguete Police Station, naganap ang insidente bandang 1:30 PM sa karagatang sakop ng Brgy. Casay, ng nabanggit na lungsod .

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, kasamang naligo ng mga biktima ang kanilang mga kaibigan at makalipas ang ilang oras ay nagpasyang umuwi ang mga ito.

Subalit, sina Rivera at Lopez ay bumalik pang muli sa dagat para maligo hanggang sa malunod ang mga ito dahil sa lakas ng alon.

Rumesponde naman ang mga awtoridad sa lugar ng pinangyarihan ng insidente at nakita ang mga biktimang nagpalutang-lutang sa dagat.

Dinala naman sa ospital ang mga bata pero dineklara na rin silang patay ng umatending doktor. Mary Anne Sapico