2 bayan sa Davao isinailalim sa state of calamity sa sunod-sunod na lindol

2 bayan sa Davao isinailalim sa state of calamity sa sunod-sunod na lindol

March 12, 2023 @ 3:19 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Isinailalim sa state of calamity ang ilang bayan sa Davao de Oro dahil sa sunud-sunod na lindol na tumama sa lalawigan.

Sa Resolution No. 2023-201, isinailalim sa state of calamity ang munisipalidad ng New Bataan, Davao de Oro, ayon sa Davao de Oro provincial information office (PIO) noong Biyernes.

Sinabi ng Davao de Oro PIO, na binanggit ang datos ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), na may kabuuang 1,779 residente mula sa 12 barangay ng bayan ang sumilong sa mga evacuation center noong Marso 9.

Samantala, idineklara rin ang state of calamity sa munisipalidad ng Maragusan, Davao de Oro, sinabi ng Davao de Oro PIO nitong Sabado.

Sinabi nito na naapektuhan ng lindol ang mahigit 1,000 pamilya.

Isang magnitude 5.3 na lindol ang tumama sa timog-silangan ng New Bataan, Davao de Oro noong Marso 6, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). RNT