2 bayan sa Ilocos Sur, Abra ginising ng M-5.1 lindol

2 bayan sa Ilocos Sur, Abra ginising ng M-5.1 lindol

July 28, 2022 @ 7:00 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Tumama ang magnitude 5.1 lindol sa bayan ng Suyo sa Ilocos Sur at Pigidan sa Abra ngayong Huwebes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Unang niyanig ng tectonic na lindol ang bayan ng Suyo kaninang alas-2:43 ng madaling araw na may lalim na 10 kilometro.

Naramdaman din ang Intensity II sa Bangued, Abra.

Wala namang naitalang pinsala subalit inaasahan ang aftershocks sa lugar.

Samantala, inuga rin ng lindol kaninang alas- 4:02 ng madaling araw ang Pigidan, Abra na may lalim na 10 kilometro.

Naramdaman din ito sa Bangued, Abra kung saan naitala ang Intensity IV.

Wala ring pinsalang natamo subalit ayon sa ahensya, inaasahan ang aftershocks. RNT/SA